Tuesday, June 10, 2008

Ces Drilon dinukot ng Sayyaf

Dinukot ng mga pi­naghihinalaang bandi­dong Abu Sayyaf ang sikat na television reporter na si Ces Drilon at dalawa pang crew ng ABS-CBN Channel 2 matapos na mag­tungo sa Sulu, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report, umpisa pa noong Sa­bado ay hindi na ma­kon­tak at hindi rin ma­tagpuan sa Sulu si Dri­lon, cameraman nitong si Jimmy Encarnacion at isa pang crew.


“Ginagawa namin ang lahat para maka­balik nang ligtas si Ces at dalawa niyang mga crew,” sabi kahapon ni Philippine National Police Chief Director Ave­lino Ra­zon na ku­mu­m­­pirma sa pagkawa­la ng TV host.


Nabatid na sina Drilon ay nag­tu­ngo uma­no sa Sulu para mag-inter­byu sa Abu Sayyaf o gru­po ni Moro National Liberation Front Lost Command Comman­der Habier Malik nang ha­ra­ngin sila ng mga ar­ma­dong lalaki sa Ba­rangay Culasi, Maim­bung, Sulu noong Saba­do dakong alas-10 ng umaga. Tinanggihan uma­no nina Drilon ang security escorts na ibibigay sana ng tropa ng Philippine Marines sa mga ito.


Sa inis­yal na report, ki­num­pirma na­­man ni Autonomous Region in Mus­lim Min­da­nao Police Director Chief Supt. Joel Goltiao na ang grupo umano nina Abu Sayyaf Commander Albader Parad at Gafur Jumdail ang res­ponsable sa pagdu­kot kay Drilon at sa da­lawang crew nito.


Sinasabing sina Dri­lon ay tinangay umano ng grupo nina Parad sa bahagi ng kagubatan ng Indanan, Sulu. Maliban sa MNLF Lost Command, ang Sulu ay pinamumuga­ran rin ng mga Abu Say­yaf na target ng open­siba ng tropa ng pamahalaan.


Ikinasa na rin ng aw­toridad ang pakiki­pag­negosasyon sa du­mukot sa mga biktima kung saan tumatayong ne­gos­yador sa binu­ong Crisis Management Team si Sulu Governor Sakur Tan.

Source: Philstar.com

No comments: